Kaligtasan?...Paano nga ba?...(Isang Pagninilay Hango sa Ebanghelyo ni San Lukas 13:22-30)
Madalas nating marinig ang salitang “kaligtasan” sa usaping pananampalataya. Minsan sa sobrang paghuhumali natin dito, nakakalimutan natin ang mga mahahalagang bagay para makamit ang totoong kaligtasan. Nakakalimutan natin ang ibang tao at mas natutugunan pa natin ng pansin ang pangsariling kapakanan sa hangaring maligtas. Nakatuon na ang ating pa-iisip sa sariling kaligtasan. Sa ganitong sitwasyon, mas mainam kung babanggitin natin ulit ang tanong na ipinukol kay Hesus ng isang taong nakasalamuha o naging kasama Nya marahil sa paglalakbay pabalik ng Herusalem - “Panginoon, kakaunti po ba ang maliligtas?”…. Sa sitwasyon noon, malaking usapin ang salitang “kaligtasan.” Para sa kanila, nandoon ang pag-iisip na ang tanging mga Hudyo lamang ang may malaking posibilidad na magkakamit ng kaligtasan dahil sila ang piniling bayan ng Israel. Nagpapatingkad din dito ang mga turo ng mga Pareseo patungkol sa kalalagyan ng lahat ng mga hudyo sa pagdating ng paghuhukom. Alam natin na hindi lang mga ...