Posts

Showing posts from September, 2011

Wala sa Mood!

Image
photo credit Hay naku, nakalimutan ko nang magblog. Last post ko dito noong May pa. Wala lang akong ganang magsulat. Mahirap kasi situasyon ko ngayon, maraming iniisip. May mga bagay na gustong mong gawin pero hindi mo magawa-gawa kasi may mga bagay pa na mas importante dito. Minsan nagtatanong narin ako kung importante ba talaga ang mga bagay na pinagtutuunan ko ng pansin. Pero napagtanto ko naman na importante ito - ang isipin muna ang iba bago ang sarili. Konting tiis lang siguro. Napaka unfair naman ng Dios kung mananatali nalang ako sa ganitong sitwasyon panghabang-buhay e halos buong buhay namin eh nasa katayuang sapat na o minsan ay salat talaga. Minsan nagtatampo narin ako sa Kanya. Kahit wala akong karapatang magtampo pero ginagawa ko narin. Wala syang magagawa kasi eto ang feelings ko sa Kanya. At alam ko na naiintindihan Nya ako - sana nga. Hanggang dito nalang at ako'y walang ganang magsulat.