Posts

Showing posts from September, 2009

Perahan lang ba?

Image
Gaano ba kahalaga ang pera? Parang ito na kasi ang nagpapatakbo sa lahat. Halos lahat ng gawin mo ay may kinalaman sa pera. Bawat bagay ay may katumbas na pera, kahit buhay ng tao ay tinutumbasan narin ng pera. Ang Pagkakaibigan, Relasyon, Pamilya, kumunikasyon, kaugalian, kultura, pagkatao, puri, dangal, pananampalataya ay minsan may bahid narin ng pera. Pagsilang mo palang ay may katumbas na itong pera hanggang sa paglibing mo. Perahan nalang ba ang buhay? Ako ngayon ay nagtatrabaho sa isang call center. Sa totoo lang, nain-ganyo akong magtrabaho dito dahil sa naririnig kong mga kwento na malaki daw ang sweldo. Hindi ko rin masabi na malaki ba o maliit and sweldo dahil first time kong magtrabaho. hindi ko maikumpara kung pagbabasehan sa aking karanasan. Ang naririnig ko lang ay "more or less" 12,000.00 Php ang sinasahod ng ordinaryong manggagawa. Subalit kung ikaw ay nagtatrabaho sa mga call centers, pinakamababa mong sahod ay umaabot ng 15,000.00 Php, at umaabot ng 40,000.