Naguguluhan po Ako!
Hay naku! Naguguluhan ako kung ano ang isusulat ko. Andyan yung pagcecelebrate sa Chinese New Year, Kurapsyon sa AFP, Rebolusyon sa Egypt, Valentines day, Love story nila Piolo at ang crush na crush kung si KC Concepcion. Ewan ko ba!. Sya nga pala, hindi ako nakakain ng Tikoy (Nián gāo) sa Chinese New year na ito . Sabi pa naman nila na swe-swertehin ka kapag kumain ka ng tikoy, eh paano ngayon yan, hindi ako nakakain ng tikoy, ibig bang sabihin hindi ako magiging swerte sa taong ito? Gustuhin ko mang isanguni sa aking sodiac sign pero mas lalong magulo - ang dating pinakamamahal kong Capricorn ay napalitan na ng Sagitarrius, tsk,tsk. Pumasok-pasok pa kasi sa eksena ang Ophiuchus. Kung sabagay kasali naman talaga sya. At ngayon, naguguluhan narin ang mga taong nagbibigay kahulugan sa mga sodiac signs, goodluck sa kanila. Pero ito lang ang masasabi ko, hindi man ako Capricorn pero gusto ko parin and papaitan, kalderetang kambing, at kilawin - hmmmm sarap!..tulo laway!
Nakakatulo laway din ang mga kaganapan sa ating lipunan ngayon, lalo na sa AFP. Nakakainis talaga, parang gusto kung pagbubugbugin sila. Pero sa kabilang dako, ngayon ko lang din nalaman na delikado pala ang maging AFP chief kasi may tendency na magkaroon ka ng amnesia, tsk,tsk. "Pababaunan" ko nalang si Reyes at tatlo pang dating AFP chiefs ng mani - kasi brain food daw ang mani. At least may maalala man lang sila kahit konti noong sila pa ang AFP chief. In fairness kina Army Col. George Rabusa, Col. Antonio Ramon Lim at isama narin natin si Mrs. Heidi Mendoza, matapang silang humarap sa Senado para ibulgar ang kanilang mga nalalaman - Kudos!! pababaunan ko rin kayo ng aking panalangin! Amen!
Speaking of panalangin, ito ang nanaig noong 1986 Edsa people power. Naalala ko pa noon habang naglalaro ako sa kalsada eh may naririnig akong ingay ng mga tora-torang lumulipad, yun pala may kaguluhan na sa Metro Manila may rebulusyon ng nangyayari. Maliit palang ako noon pero may malay narin ako nun (ayan medyo pinapahalata ko na sa inyo ang aking edad). Ito rin ngayon ang nangyayari sa Egypt. January 25 ng nag simulang magprotesta ang mga tao. Nainspire sila sa matagumpay na rebolusyon sa Tunisia. Akalain ninyong namuno si President Hosni Mubarak sa Egypt bilang presidente sa loob ng 30 years! Talo pa si Marcos! Ininireklamo ng mga tao sa Egypt ang katiwalian, kawalan ng trabaho, kahirapan at otokratikong pamamalakad. pinagbawalan din ang mga tao sa Ehipto na gumamit ng Twitter(meron po pala akong twitter account kaso nakalimutan ko ang password,hehe)pati na ang internet providers - dito kasi inilalabas ng mga tao ang saloobin nila. Marami narin ang namatay at patuloy parin ang pagproprotesta ng mga tao doon. Dito sa atin, mabuti naman at umaksyon na ang Gobyerno sa pagpapalikas ng mga kababayan natin na naipit sa kaguluhan sa Egypt.
Sa ngayon, wala akong nakikitang aksyon sa darating na Valentines day. Maliban sa mangyayaring pagbabaril ng mga firing squad sa mga taong walang ka-date! Aray ko po! Isa na ho yata ako roon sa mga mababaril. Strict kasi ang parents ko eh. Goodluck nalang sa mga may kadate. Ako neto ay magsasarili at maghahanap ng wala ring kadate sa tabi-tabi, hehe. Eto pala ang mga tips ko para maging memorable ang date nyo: 1. magpahabol sa aso - (ang cute nyo tingnan kung magka-holding hands kayong tumatakbo papalayo sa aso.) 2.) kumain ng street foods ex. isaw, kwek2x, atbp (tipid to the max - mahal sa resto) 3. maghiking sa gilid ng edsa (naglalakad habang tinatakpan mo ng panyo ang ilong ng kadate mo dahil sa usok - diba ang sweet?) 4. kissing under the rain: (pumunta sa northern mindanao o eastern visayas - kasalukuyang inuulan at patuloy ang pagbaha doon -) 5. magmovie-marathon sa bahay - (maagang magpunta sa quiapo at bumili ng 30-in-1 DVD 30 pesos lang - murang-mura na!)Ito po ay gabay lamang, patnubay ng magulang ay kailangan.
Kailangan kong mapag-isa ngayon sa kadahilanang nalaman ko na sila na pala ni KC Concepcion at Piolo. Masakit iyon para sa akin. Wala na akong pag-asa kay KC, ang aking long time crush. Una ko syang nakita noong 9 years old pa lamang sya sa concert ng kanyang mommy. Mula noon, ako ay nahumali sa angking ganda ni KC. Eh ngayon na taken na sya, i have no choice but to look for someone other than KC. Ayoko ring maubos ang aking panahon sa kakaisip sa kanya. Well, andyan naman sila Sam Pinto at si Georgina Wilson. Ibabaling ko nalang ang aking atention sa kanila. (gisingin nyo po ako!)
Hahay, wala talaga me maisulat. Heto at matatapos narin ang aking shift. Pauwi narin me maya-maya sa aking tahanan. Buti at nakapag-blog pa ako habang nasa work, hehe. Wala na talagang pumapasok sa utak ko. Kailangan ko nang mag break muna. 'till next time!
Health and Blessings!
-melskiens-
Comments