Hay naku! Naguguluhan ako kung ano ang isusulat ko. Andyan yung pagcecelebrate sa Chinese New Year, Kurapsyon sa AFP, Rebolusyon sa Egypt, Valentines day, Love story nila Piolo at ang crush na crush kung si KC Concepcion. Ewan ko ba!. Sya nga pala, hindi ako nakakain ng Tikoy (Nián gāo) sa Chinese New year na ito . Sabi pa naman nila na swe-swertehin ka kapag kumain ka ng tikoy, eh paano ngayon yan, hindi ako nakakain ng tikoy, ibig bang sabihin hindi ako magiging swerte sa taong ito? Gustuhin ko mang isanguni sa aking sodiac sign pero mas lalong magulo - ang dating pinakamamahal kong Capricorn ay napalitan na ng Sagitarrius, tsk,tsk. Pumasok-pasok pa kasi sa eksena ang Ophiuchus. Kung sabagay kasali naman talaga sya. At ngayon, naguguluhan narin ang mga taong nagbibigay kahulugan sa mga sodiac signs, goodluck sa kanila. Pero ito lang ang masasabi ko, hindi man ako Capricorn pero gusto ko parin and papaitan, kalderetang kambing, at kilawin - hmmmm sarap!..tulo laway! Nakakatulo laway d...