Perahan lang ba?

Gaano ba kahalaga ang pera? Parang ito na kasi ang nagpapatakbo sa lahat. Halos lahat ng gawin mo ay may kinalaman sa pera. Bawat bagay ay may katumbas na pera, kahit buhay ng tao ay tinutumbasan narin ng pera. Ang Pagkakaibigan, Relasyon, Pamilya, kumunikasyon, kaugalian, kultura, pagkatao, puri, dangal, pananampalataya ay minsan may bahid narin ng pera. Pagsilang mo palang ay may katumbas na itong pera hanggang sa paglibing mo. Perahan nalang ba ang buhay?
Ako ngayon ay nagtatrabaho sa isang call center. Sa totoo lang, nain-ganyo akong magtrabaho dito dahil sa naririnig kong mga kwento na malaki daw ang sweldo. Hindi ko rin masabi na malaki ba o maliit and sweldo dahil first time kong magtrabaho. hindi ko maikumpara kung pagbabasehan sa aking karanasan. Ang naririnig ko lang ay "more or less" 12,000.00 Php ang sinasahod ng ordinaryong manggagawa. Subalit kung ikaw ay nagtatrabaho sa mga call centers, pinakamababa mong sahod ay umaabot ng 15,000.00 Php, at umaabot ng 40,000.00 pataas sa mga natatanggap nilang kumisyon sa pagbebenta. Malaki nga naman kung tutuusin.
Bago pa man din akong maghanap ng mapapasukan nito lang june ay marami narin akong narinig na mga feedbacks kung ano ang magandang trabaho. Mas maganda raw na trabaho kung ito ay hiyang sa iyong pinag-aralan. Oo nga naman. Mas gusto ko yung trabahao na malapit sa mga tao, at nakakasalanmuha ko sila. Sa sarili ko, nagdalawang isip rin akong ipagpatuloy ang pag-apply ko sa call center. Sinubukan kong maghanap ng mga eskwelahan, mapa high school o kolehiyo na pwede kong pasukan, ang problema, June na noong nag-apply ako, closing na raw ang hiring. sinubukan ko sa isang international voluntary works abroad, ang kaso, kulang ako experience as "professional" social worker/advocate. Sa kakapusan ng oras at malapit narin ma-expire ang aking vow at tila mag-ooverstay na ako sa seminary, at sa katotohanan na wala akong sapat na pera para maitawid ko ang sarili sa pang-araw-araw kong buhay kapag ako ay nasa labas na, sinunggaban ko nalang ang pag-apply sa call center dahil marami sa kanila ang hiring. Sa awa ng Diyos, ako ay natanggap agad.
Hindi madali ang magtrabaho sa call center. Ang parati kong sinasabi sa mga kakilala ko ay isa na akong aswang sapagkat panggabi ang trabaho ko. minsan binibiro ko sila na ang totoong trabaho ko ay isang "Call Boy" at hindi sa call center. Hindi ako masyadong naninigarilyo, ika nga, "social smoker" lang ako pero three weeks akong nagsimulang manigarilyo ng tuloy-tuloy at sa awa ng Diyos, ako ay nagkasinusitis, ayon at nabawasan ng mamimili ang Winston Lights. Kadalasan ang sinasabi nilang happy hours ay gabi na kung ginagawa, pero dito ko ring naranasan na maghappy hours ng "6:00" ng umaga! Imbes na mainit na gatas ang iniinom ko, tumutungga na kami ng beer sa ganito kaagang oras, tsk,tsk,. Lahat ng gusto mong "P@#*%$ Ina" na tono at paraan ng pagbigkas ay naririnig mo. Kanya-kanyang ugali na nakakasalamuha mo, May mabait, maarte, malandi, maangas, bading, tomboy, silahis, babae, lalake, at eto pa...si Miss Minchi ng princess sarah ay nandito rin...
Sabi nila, ok na raw ako kasi malaki ang sweldo, pero hindi nila alam na kung gaano kalaki ang sweldo mo, ganun din kadami ang kailangan mo. buti pa noong nasa seminary ako kasi kahit isang libo lang ang allowance sa isang buwan, buhay na buhay kana nun, minsan may sobra pa. HIndi madali sa akin kasi nagsisimula palang ako sa buhay sa labas, isa pa, mahirap lang din kami at kailangang magpadala ng pera sa amin, may college pa akong kapatid na kailangan ng tulong, walang bahay at walang lupa. isang dukha, tsk,tsk.. Pera ba ang kailangan? Minsan, nabanggit sa akin ng boss ko na magsumikap daw ako para malaki ang perang makukuha ko, sa sarili ko naman, pakialam ko sa pera, ayaw ko ngang kumilos dahil sa pera lang, ayaw kong mag-improved dahil sa ganung motivation, para akong asong sumusunod sa isang malaking buto. Ganito ang naging reaksyon ko nung sinabi iyon ng aking boss. Ang gusto ko kasi ang iyong nagsusumikap ako kasi para sa development ko at hindi dahil sa kung anong reward ang matatanggap ko. Ang yabang! hehehe... Sabagay, sa formation kasi, parating dinidiin ang personal development and maturity ng isang formand, hindi ko rin masisisi ang boss ko kasi may sarili rin siyang pinanghuhugutan ng ganung pananaw. Pamilyado at ngayon kabuwanan ng kanyang asawa, first baby nila. Unti-unti ko ring naiitindihan kung bakit nya nasabi yun. Sa sarili ko. may mga bagay na gusto kung gawin at mangyari pero hindi ko magawa dahil wala akong pera. Isa sa mga frustrations ko ay yung hindi ko nadevelop yung mga talents ko, hanggang basics lang parati at walang experties sa particular na talent. iba kapag may luxuries of time and money. (nag-emote ba!)... Oo nga ano? Pera ba Talaga?
Sa ngayon, pwede ko itong sagutin ng OO o HINDI, pero kung pagninilayan ko ng mabuti ang tanong na ito, mahirap at mabusisi ang pagsagot nito. Kung seryoso nyo akong tatanungin ngayon kung masaya na ba ako na mayroon akong trabaho at sumusweldo, ito lang ang masasabi ko...tuwing malapit na ang sweldo, ako ay tuwang-tuwa. hanggang sa pagtanggap nito at mailagay ko na sa aking palad. hanggang sa aking inuupahang kwarto at binibilang ang sweldong natanggap, nag-iisip ng mga bagay na dabat paggastusan, magkanong ipapadala, pagbubudget at iba pa. Ngunit pagkatapos nitong lahat, habang ako'y nakahiga na at handa ng matulog sa oras na buhay na buhay si haring araw, may mga sandaling katahimikan na hindi mo makitaan ng ngiti ang aking mga labi...Sa tingin nyo... Pera lang ba talaga?




---------------------------------------
singit ko lang to ha, inis kasi ako habang sinusulat ko rin ito,hehe


n.b. walang hiya talaga si Mikey the Money Maker...pati narin ang nanay nya!!!waaahhhh...kainis!!!

kawawa naman ang anak nya...sa ginagawa ni Mikey, parang tinuturuan nya rin ang anak nya na magnakaw sa murang edad..




-melskiens-

Comments

Anonymous said…
uban ta ana igsoon sa kalagot sa ilang pamilya... i like ur post ^_^ ay igsoon mag start na gud q sa violin lessons naq ^_^ God bless!
melskiens said…
wow, good to hear that! jamming unya tam,hehe...i'm planning to enroll again sa violin lesson,or bisag tutorial kay kinahanglan pa jud ug praktis...
Anonymous said…
musta?

Popular posts from this blog

Blessed Pope John Paul II

WHY US LORD?: A Reflection On The Typhoon Yolanda Calamity.

A New Open Space