On Eschatology: Liwanag Pag-asa



Kadiliman! Multong umaaligid.
Sa mga biktima ito’y nakamasid
Krimeng nagaganap, sa kadiliman gustong manahan.
Sa panandaliang aliw ay may paglalagyan din.
Problema nasaan,
Hanapin mo’t nasa kadiliman din
Bulag na paligid, nasaan?
Halika’t subukang hanapin, kapain...

Liwanag! Lumulukob sa bawat sulok.
Taglay ay init, nanunuot sa bawat hibla ng damit.
Mata ay gumagalaw, pumaparito, lumalayo
Tanglaw ay mundo, kulay ay halo-halo.
Nakikita, mga taong naglalakad
Destinasyon hindi malaman,
Silayan, mga daang tinatahak,
Sa liwanag sya ay gabayan..



Maraming mga pagsisimbolo sa liwanag. Maraming kahulugang pwedeng iugnay sa pangkaraniwang galaw ng buhay ng tao. Ngunit paano mo ito mas lalong maiintindinhan kung ikaw mismo ay hindi nakaranas ng kadiliman? Kadiliman at liwang ay dalawang realidad na hindi dapat ihiwalay bagkus magkasama upang mas maiintidihan natin ang bawat isa.

Ang linawag ay ang unang nasisilayan ng bagong silang na sanggol. Malalaman mo na nasa huling bahagi ka na ng lagusan kung ikaw ay may natatanaw na liwanag. Minsan ang liwanag ay inihahalintulad sa mga magagandang pangyayari sa buhay ng isang tao. Kung may dilim, siguradong may liwanag din na naghihintay. Sa bawat paglubog ng araw ang may matutunghayan kang pagsilang sa hinaharap. May hihintayin ka, May inaasaahan ka, may patutunguhan ang buhay. May pag-asa.

Ang pag-asa ay realidad na hindi ma-iaalis sa ating sarili. Bawat tao ay may gustong abutin na makakabuti para sa kanyang sarili at sa ibang tao. Sa kabila ng mga problema at mga pagsubok. Nilalayon nating makaahon sa ganitong kalagayan, at nasa sa ating pagnanasa na sa kabila ng kadiliman, may liwanag paring naghihintay sa atin. May tinitingala tayong Pag-asa ng ating buhay – Ang Diyos…




-melskiens-

Comments

Anonymous said…
My Dear Friend Mel,

Now I have an ample idea who and what you are by reading your blog. Yes, I believe that it is not heaven to live inside a community with different personality. Thank you so much for dropping by my blog and do come always. I will add you in my blogroll okay. The color of your site is so contemplative. Brown (Carmelite/Franciscan) and dark orange (cantaloupe) Have you notice that this is the color of the buddhist monk? God bless.
-melskiens- said…
it's always a struggle to live in a community with different personalities yet it is where you become mature in dealing life ahead of us...these colors fascinate me, it has a hidden meaning on its core, simple yet deep...i already added you on my links...i will definitely visit your blog... nice to have you here also...thanks din... GOD bless you too...

Popular posts from this blog

Blessed Pope John Paul II

WHY US LORD?: A Reflection On The Typhoon Yolanda Calamity.

A New Open Space