What an Irony! (side trip: from hongkong to San Francisco)

i received a message last night sa aking phone, around 12:00 midnight ng gabi sa isang brother din sa ibang congregation...simple lang naman ang text nya:

First:
Isn't it strange how a 100 peso bill seems like a large amount of money when you donated it to Church, but such a small amount when you go shopping?

oo nga naman,minsan pinipili pa natin ang pinakamaliit na halaga na peso bill na nasa bulsa natin, 20 pesos, buti nga ngayon kasi 20 na, dati kasi meron pang 5 peso bill or 10 peso bill...minsan naman may nagbibigay nga ng malaki, with all the names in bold stroke and in capital letters na nakasulat sa envelop, minsan ipinapabasa pa talaga sa pulpito, kapag hindi man nabasa, maghanda na ang sekretarya ng parokya...(buti nalang hindi ako nagbibigay,hehe, kuripot!)... ang iba hindi rin nagbibigay...iniisip siguro ng iba na pangbibili lang ng alak o kaya ipang-mamajong ng mga pari (sad to say, may iilan)... pero matanong ko kayo, Sino ang mas malaki magbigay? ang mayaman na minsan nagbibigay ng 1 milyon o ang isang mahirap na nagbibigay lamang ng barya-barya? sa maniwala kayo at sa hindi, mas malaki magbigay ang mga mahihirap, kasi ang halaga ng ibinibigay nila ay katunbas na ng pagkain nila sa hapag...minsan ang ipinangbibigay nila ay halos lahat na nag kanilang kinikita sa buong araw...kung ikukumpara natin sa mga mayayaman na isang milyon ang ibinibigay pero tutuusin, balewala lang sa kabuuang kayamanan nila...


Second:
Isn't it strange how everyone wants front-row tickets to concerts or games, but they do whatever is possible to sit in the last row of the church?

hindi ko ma-imagine kung nagkakandarapa ang mga tao para makaupo lang sa harap ng simbahan, siguro kung may himalang nagaganap sa harap, dun pa yata magyayari ito...pero totoo namang may nagyayari ngang himala sa harap ng altar hindi ba? dito tayo inaanyayahan ng Panginoon na makibahagi sa Kanyang pagsasalo pero wala tayong tugon...ang masasabi ko lang... kahit saan man tayo nakaupo, basta seryoso tayong nananalangin, ok lang yan! (kasi sa likod din ako parati nakaupo kung nagsisimba)


Third:

Isn't strange how i hour seems so long when you're in Church, and how short when when you're having a date?

hmmm...parang tinamaan ako...Joke!(wala nga akong date last Feb 14) ...bakit nga ba? iba ang pakiramdam kung kapiling natin ang ating mga mahal sa buhay, lalo na kung ang ating iniirog ang kasama natin. Ibig bang sabihin na secondary lang si Hesus sa ating buhay kasi parang binabalewala nating ang pagsisimba? hindi ba pwedeng magawa rin natin na pag-ukulan ng oras si Hesus? yung may ngiti at pananabik na makasama Siya? Siguro dahil din sa mga pari, kasi minsan boring sila maghomily, {ano kaya ang ginawa nla sa subject na homiletics noong nag-aaral pa sila?)

napa-isip din ako dito, medyo tinamaan ang puso ko sa mga txt ng isang brother...pero after din naman akong makapag-isip2x...nagliwaliw ako sa youtube at nasagap ko ang videong ito...at muli akong napa-isip...dapat talaga maging maaga ka sa Airport before the scheduled time, or else ganito ang magyayari,...




Comments

Anonymous said…
recieved this msgs too at guilty aq sa 3rd :( i used to be such a selfish bitch (forgive me of the word) pero kasi prayer nman ng santo sa alma mater ko ang prayer for generosity, i did pray to God to give me that virtue... whenever i give to the church and help people, i need to remind myself this is not for my glory but for God... weakness ko kasi insecurities ko kaya i have the great tendency to be boastful :( sad to say
-melskiens- said…
the good thing is that you know your weaknesses, it's a good start...and after that, you do something to change or be better person... there's always a room for change...and stick to the positive side of your self...
Anonymous said…
tama ka jan bro and this has been a constant struggle for me talaga... parang madali lang sabihin kasi parang common weakness pero mahirap gawin talagnang strength lalo na pag strong na ang roots...

Popular posts from this blog

Blessed Pope John Paul II

WHY US LORD?: A Reflection On The Typhoon Yolanda Calamity.

A New Open Space